DOH, nanindigan na hindi na nakapagtala ng bagong kaso ng monkeypox virus sa bansa

55

Nanindigan ang Department of Health (DOH) na hindi na sila nakakapagtala ng bagong kaso ng monkeypox virus sa bansa.

Ito ay bagama’t patuloy pa ring nagpapagaling at naka-isolate ang cases number 3 at 4.

Kinumpirma naman ni Health OIC Usec. Maria Rosario Vergeire na ang ikalawang kaso naman ng monkeypox sa bansa ay gumaling na at nakalabas na ng isolation facility.


Ang lahat naman aniyang close contacts ng pasyente ay asymptomatic.

Habang ang mga sugat ng ika-apat na kaso ay patuloy nang gumagaling.

Facebook Comments