Panghihimasok ng mga foreign agency para imbestigahan ang war on drugs sa bansa hindi kailangan – PNP

Manila, Philippines – Hindi payag ang Philippine National Police (PNP) sa gusto ng 28 bansa na dumulog sa United Nations Human Rights Council (UNHRC) na imbestigahan ang drug war sa bansa.

Kasunod na rin ito ng mga isyu ng paglabag sa human rights dahil sa mga kaso ng nanlaban sa police operations.

Ayon kay Police Colonel Bernard Banac, PNP spokesperson, “unnecessary” o hindi na kailangan pa ng ibang bansa para imbestigahan ang local crime incidents sa Pilipinas.


Siniguro ng opisyal na gumagana ang criminal justice system at ano mang kwestyon sa legalidad ng operasyon ay nasasagot sa pormal na proseso.

Pero ayon kay Banac na ang mga isyu na may kinalaman sa diplomatic policy ay para sa executive department at susunod lang sila sa kung ano ang ipag-uutos ng Pangulo.

Facebook Comments