Panghihimasok sa justice system ng bansa, hindi dapat ginagawa ng pangulo, ayon kay Gordon

Manila, Philippines – Naniniwala si Senate Committee on Justice Chairperson Richard Gordon na mali ang ginagawang panghihimasok ng pangulo sa justice system ng bansa.

Ito’y matapos ipag-utos na ibalik sa serbisyo si P/Supt. Marvin Marcos sa kabila ng kasong kinakaharap nito.

Ayon kay Gordon, sinasayang lamang ng pangulo ang political capital nito sa ginawang pakikialam sa kaso ni Marcos.


Kasabay nito, kinastigo ng senador ang mga nasa paligid ng pangulo na aniya’y dapat na nagpayo rito na hayaan na lamang gumulong ang kaso laban kay marcos at sa 18 kasamahan nito.

Nabatid na sila Marcos ay may kasong homicide dahil sa pagpatay kay dating Albuera Mayor Rolando Espinosa.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments