Pamilya ni dating Albuera Leyte Mayor Espinosa, masama ang loob sa tila pag-abswelto ni Pangulong Duterte kay Supt. Marcos

Manila, Philippines – Dismayado ang pamilya ni dating Albuera Leyte Mayor Rolando Espinosa sa tila abswelto ni Pangulong Rodrigo Duterte Kay P/Supt. Marvin Marcos.

Ito’y matapos ibalik sa serbisyo si Marcos at 18 iba pang kasamahan nito.

Dahil dito, balak nilang maghain ng motion for reconsideration sa Korte Suprema sa pag-downgrade ng kaso ni Marcos.


Ayon kay PNP Chief Ronald ‘Bato’ Dela Rosa, lumabas na ang desisyon ng administrative case laban sa grupo ni Marcos.

Pero hindi ni inilahad ni bato kung sinibak o hindi sina Marcos.

Facebook Comments