Panghuhuli sa ilalim ng Anti-Distracted Driving Act, ipinatitigil muna ng Kamara

Manila, Philippines – Hiniling ng Kamara sa LTFRB na itigil muna ang panghuhuli sa Anti-Distracted Driving Act.

Sa pagdinig ng House Committee on Transportation, hiniling ni House Committee on Metro Manila Development Chairman Winston Castelo na ipatigil muna ang panghuhuli sa ADDA.

Hindi naman makatugon agad ng sagot si Asec. Edgar Galvante dahil kanila muna itong pag-aaralan at pag-uusapan sa LTFRB.


Nilinaw naman ni Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe na hindi muna manghuhuli dahil may anim na buwan pa para i-educate ang taumbayan sa batas.

Pagkatapos ng anim na buwan na malinaw na ang batas ay saka na uumpisahan ang panghuhuli sa mga lalabag dito.

Samantala, sinimulan na sa plenaryo ang sponsorship sa tax reform package ng Duterte administration.

Umaasa si Ways and Means Committee Chairman Dakila Cua na susuportahan ng mga kongresista ang panukalang reporma sa pagbubuwis.
DZXL558

Facebook Comments