Manila, Philippines – Sinimulan na ng Land Transportation Office ang panghuhuli sa mga lumalabag sa Anti Distracted Driving Act.
Ayon kay LTO Assec. Edgar Galvante nakakalat na ngayon ang mga LTO Law Enforcement Service sa ibat ibang lugar sa Edsa upang manghuli sa mga motorista na lumalabag sa ADDA na matagal nang ipinaalala ng ahensiya sa publiko hinggil sa pagbabawal ng paggamit ng Electronics Gadget gaya ng cellphones habang nagmamaneho sa lansangan.
Sabi ni Galvante alas sais pa lang ng umaga kanina ay nakadeploy na ang lahat ng mga tauhan ng LTO Law Enforcement Service sa ibat ibang lugar sa Edsa para manghuli sa mga gumagamit ng cellphone habang nagmamaneho sa lansangan.
Pero nilinaw ni Galvante na mayroong mga exemption sa naturang batas halimbawa ang isang motorista na gumagamit ng cellphone para sa emergency na tawag, gaya ng pagreport ng nangyayaring krimen, aksidente, natural calamity, bomb threat, terrorist action, at iba pang mga emergency na pangyayari.
Giit ni Galvante na ang sinumang lalabag sa ADDA ay mayroon kaakibat na mga penalties halimbawa umano sa unang paglabag ay 5 libong piso ang mula, 10 libong piso sa pangalawang paglabag, 15 libong piso at suspension sa driver’s license naman sa ikatlong paglabag at 20 libong piso at sa mga susunod na paglabag ay revocation na sa kanilang driver’s license.