Pangingikil ng ilang taga-FDA, ibinulgar sa Senado

Inakusahan ni Senator Raffy Tulfo ng pangingikil ang Food and Drug Administration (FDA).

Ito ang ibinunyag ng senador sa gitna ng pagdinig sa 2023 budget ng Department of Health (DOH) at attached agencies nito.

Ayon kay Tulfo, humihingi ng suhol ang ilang taga-FDA sa bawat inirerehistrong produkto na aabot sa P5 million hanggang P10 million.


Aniya, kahit si dating FDA Director General Sherry Puno ay kinumpirma ang korapsyon sa FDA na nasibak pa nga dahil sa paglaban sa mga anomalya.

Tiniyak naman ng bagong talagang pinuno ng FDA na si Dr. Samuel Zacate na titingnan niya ang impormasyon na ibinigay ng senador.

Facebook Comments