PBBM, mismong inihayag na naging produktibo ang kaniyang pagtungo sa Singapore nitong weekend

Isasapubliko ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang detalye ng kaniyang produktibong pagtungo sa Singapore nitong nagdaang weekend.

Sa post ng pangulo sa kaniyang Facebook account, sinabi nitong naging produktibo ang kaniyang weekend sa Singapore at may kinalaman dito ang ginawa niyang panghihikayat sa mga investors para maglagak ng puhunan sa bansa.

Bahagi rin ng post ng pangulo na tila nagpapahiwatig na may maganda itong balita na may kinalaman sa pagnenegosyo.


Kaugnay nito’y idinagdag ng pangulo na napaka-fulfilling na maimbitahan sa naganap na event nitong nakaraang linggo kasama ang ilan pang dignitaries at makaharap ang mga bagong business friends na pawang nagpahayag ng kahandaang maglagak ng puhunan sa Pilipinas.

Ibabahagi aniya ng pangulo ang mga detalye nito sa mga susunod na pagkakataon.

Facebook Comments