Ipinag-utos ni Philippine Coast Guard (PCG) Commandant Vice Admiral Leopoldo Laroya ang hiwalay na imbestigasyon sa insidente ng pangingikil sa mga kadete ng PCG sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Kasunod ito nang pagkakahuli sa isang apprentice seaman ng Coast Guard na si Aldasher Anni sa isang operasyon kung saan nakuha rito ang marked at boodle money na aabot sa P132, 000.
Tutukuyin sa imbestigasyon ang nga kasabwat ng suspek.
Nabatid na modus ng suspek ang manghingi ng P85, 000 sa kadete kapalit ng paglabas ng medical at dental clearance na hindi daraan sa pagsusuri.
Umapela rin ang PCG sa iba pang aplikante at kanilang pamilya na isumbong sa kanila ang mga katulad na katiwalian.
Facebook Comments