Pangingisda sa karagatan na apektado ng oil spill sa Oriental Mindoro, ipinagbabawal pa rin ng BFAR

Mananatili pa rin ang fishing ban ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa ilang bahagi ng karagatan na naapektuhan ng oil spill sa Oriental Mindoro.

Batay sa pinakahuling bulletin na inilabas ng BFAR, inirerekomenda pa rin nito ang fishing ban sa Calapan at Naujan, Pola at Bansud, Gloria, at Pinamalayan.

Sa isang advisory, nanatili pa rin ang panganib ng kontaminasyon mula sa mga bakas ng langis na hindi pa naalis sa lugar.


Batay rin sa huling pagsusuri, nasa acceptable standards na rin para sa fishing activities ang karagatan ng Bongabong, Bulalacao, Mansalay, Roxas, Baco, Puerto Galera, at San Teodoro.

Sa kasalukuyan, pinapayagan ng provincial government ng Oriental Mindoro ang mga mangingisda ng Calapan at Naujan na mangisda sa municipal waters ng Baco, Puerto Galera, at San Teodoro.

Ang mga mangingisda naman ng Pola, Bansud, Gloria, at Pinamalayan ay pinapayagang mangisda sa Bongabong, Bulalacao, Mansalay at Roxas.

Facebook Comments