Inisyal na family food packs, naka-prepositioned na sa posibleng paghagupit ng inaasahang superbagyo

Nakapag-prepositioned na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng kabuuang 689,885 family food packs bilang paghahanda sa epekto ng binabantayang superbagyo.

Ayon kay DSWD Special Asec. Marlon Alagao, dinodoble na nila ang kapasidad ng bawat field offices para mahatiran ng FFP ang kada kasambahayan na maapektuhan.

Sinabi naman ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na sa sandaling tumama na sa kalupaan ang bagyo, magkakaloob ang ahensya ng logistic support sa sandaling humingi ng augmentation support ang mga local disaster risk reduction management councils.


Facebook Comments