PANGKABUHAYAN PACKAGE, IPINAGKALOOB NG DOLE AT LTFRB SA BAYAN NG LUNA, LA UNION

Nitong ika-10 ng Oktubre 2022 pitong (7) benepisyaryo ng entrepreneur program ang nabigyan ng goat raising production sa bayan ng Luna ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board Region 1 at Department of Labor and Employment La Union Field Office.
Sa pagtutulungan ng LTFRB at DOLE, nabigyan ng pangkabuhayan ang mga dating driver at operator ng pampublikong sasakyan na apektado ng Local Public Transport Route Plan ng PUV Modernization Program ng gobyerno.
Dumalo sa naturang aktibidad sina LTFRB Regional Director Ahmed G. Cuizon, at Ms. Veronica Corsino – Head of DOLE LUFO.

Ayon kay Dr. Cuizon, ang ayuda na ito sa mga displaced drivers at operators ay simula pa lamang alinsunod sa mandato ng pamamahala ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos sa unang 100 days ng kanyang termino.
Sa kasalukuyan, maaaring piliin ng mga dating driver at operator na umanib sa transportation cooperative o sumali sa entsuperneur program upang mabigyan ng livelihood assistance.
Paalala lamang sa mga nais sumali sa programa, ang mga maaaring sumali sa programa ay dapat hindi overseas foreign worker at empleyado ng gobyerno.
Hinihikayat ng LTFRB ng mga dating individual operator, driver at allied workers ng pampublikong sasakyan na sumali sa programa. |ifmnews
Facebook Comments