Manila, Philippines – Nangangamba si Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe na maaapektuhan ang publiko sa excise tax sa planong pagapruba ng Kamara sa tax reform program.
Ayon kay Batocabe, partikular na may direktang impact sa publiko ang excise tax sa mga produktong petrolyo lalo na ang mga nasa malalayong lalawigan na hindi malaki ang kinikita.
Dahil dito, pinamamadali ni Batocabe na maaprubahan ang panukalang Rural Employment Assistance Program o REAP kung saan mabibigyan ng pagkakataon ang mga nasa rural area na mabigyan ng trabaho at dagdag na kita sa kabila ng nakaambang na mga dagdag na buwis.
Naniniwala si Batocabe na malaki ang maitutulong ng rural employment assistance program kung maaprubahan ito para maibsan ang epekto ng mga dagdag na buwis sa publiko.
Ang mga serbisyo na nakapaloob sa nasabing assistance program ay ang pagdevelop ng mga pangkabuhayang pang-agrikultura na nasira ng kalamidad, pagsasaayos ng irigasyon, kanal, dike, water impounding, post-harvest facilities, palengke, farm to market roads, slope protection, mga tulay at iba pa.
Dagdag din dito ang iba pang mitigation measures na maaaring lahukan ng mga taga-probinsya tulad ng mangrove planting at rehabilitation.
DZXL558, Conde Batac