Dalawa, arestado matapos mahulihan ng mga pakete ng marijuana sa Parañaque

Manila, Philippines – Natimbog ang dalawa katao, kabilang isang babae, matapos mahulihan ng dalawang malalaking pakete ng marijuana sa Baclaran, ParaƱaque City.

Kinilala ni PO1 Alvin Miranda ng Police Community Precinct 1 ang isa sa mga arestado na si Anne Margareth Espaldon, 29-anyos, habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng lalaking kasama nito.

Ayon kay Miranda, may nagbigay ng impormasyon ng kanilang tanggapan hinggil sa operasyon ng dalawa sa Unidas Street, Airport Road ng nabanggit na lungsod.


Matagal nang nakakarinig ang ilang residente rito na tila may ginigiling o gina-grinder ang dalawa sa loob ng inuupahang silid kayaā€™t sinalakay ito ng mga awtoridad.

Isa’t kalahating kilo ng marijuana ang nasamsam mula sa mga suspek at ilang drug paraphernalia.

Kasalukuyan pang isinasailalim imbentaryo ang mga nakalap na ebidensya habang iniimbestigahan ang mga nadakip na suspek.
DZXL558, Mike Goyagoy

Facebook Comments