Binigyan ng Commission on Audit (COA) ng pinakamataas na audit rating ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Ayon kay PDEA Director General Wilkins Villanueva, pinuri ng COA ang pangkalahatang presentasyon, istruktura, at nilalaman ng financial statement ng ahensya partikular ang mga transaksyon ng ahensya hanggang December 31, 2021.
Sa isang independent report, batay sa mga nakalap na ebidensya sa financial position ng PDEA hanggang December 31, 2021, kabilang ang statements of financial performance; cash flows; changes in net assets at equity at iba pa ay sapat at nararapat upang maging batayan para makakuha ang ahensya ng pinakamataas na rating.
Sinabi naman ni Villanueva na ang pagkilalang ito ay sumasalamin sa pangako ng PDEA na pagserbisyuhan ang publiko nang maayos at tapat.