Panglao International Airport, ginagamit na ring gateway para sa dumarating na pasahero mula abroad

Kauna-unahang lumapag sa Panglao International Airport sa Bohol bilang alternatibong gateway para sa kanilang international arrivals.

Buenamanong lumapag sa Panglao International Airport ang Philippine Airlines flight PR731 mula Bangkok, Thailand.

Awtomatiko rin na sasailalim sa mandatory quarantine ang mga pasahero kahit na sila ay taga-Luzon basta’t sila ay galing sa bansa na hindi sakop ng green list ng Pilipinas.


Bukod sa Bohol, ginagamit din ng PAL ang Cebu at Davao City bilang alternatibong gateway ng kanilang international arrivals.

Nangangahulugan ito na ang mga pasahero ng PAL ay awtomatikong sumasailalim sa quarantine sa mga hotel sa naturang mga lalawigan kahit na sila ay taga-Luzon.

Facebook Comments