Pangmatagalan at tunay na kapayapaan, iginiit ng AFP kontra sa CPP-NPA

Iginiit ni Armed Forces of the Philippines (AFP) na tanging pangmatagalan at tunay na kapayapaan lamang ang kanilang nais kontra sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA).

Ito ay sa kabila ng pagtanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanilang rekomendasyon na huwag magdeklara ng tigil-putukan sa mga miyembro ng CPP-NPA.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni AFP Spokesperson Major General Edgard Arevalo na kilala ang nasabing grupo sa hindi nito pagtupad sa kasunduan kahit nagkaroon na ng peace talks sa mula sa kanilang panig.


Handa naman ang AFP sa anumang posibleng mangyari at naglatag na rin ng plano sa oras na magkaroon ng gulo sa gitna ng pagdiriwang ng holiday season.

Kasabay nito, nilinaw ng Malakanyang na hindi papayag ang gobyerno sa localized ceasefire aggreement sa pagitan ng mga otoridad at rebelde, na kadalasang isinusulong ng lokal na pamahalaan.

Paliwanag ni Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque, kung may localized ceasefire, malaki ang tiyansang lumakas ang loob ng mga rebelde na isuko ang kanilang mga armas.

Habang “without qualification” din ang naging deklarasyon ni Pangulong Duterte na tumututol sa ceasefire aggreement hanggang sa katapusan ng termino nito.

Sa ngayon, ikinokonsidera na ng CPP ang ceasefire policy ni Pangulong Duterte hanggang sa katapusan ng termino nito bilang “anti-peace declaration”.

Facebook Comments