Mahigit P200-K halaga ng shabu, nasabat sa Pasig City

Umaabot sa P210,000 na halaga ng shabu ang nasabat ng mga operatiba ng Pasig City Police Station sa isinagawang checkpoint sa Sandoval Avenue, Brgy. San Miguel, Pasig City.

Kinilala ang suspek na si Jayson Soriano Calicdan, 45-anyos, driver at residente ng Dr. Sixto Antonio Avenue, Brgy. Maybunga, Pasig City.

Ayon kay Pasig Chief of Police Col. Moises Villaceran, nagsagawa ng checkpoint ang mga operatiba sa nasabing lungsod nang dumaan ang suspek lulan ng motorsiklong Honda Beat 110 na may plakang 6183 TA, pero walang suot na helmet.


Paliwanag ni Villaceran, nakuha sa suspek ang 12 pirasong plastic sachet na may lamang pinaghihinalaang shabu.

Paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang kasong isinampa laban sa naturang suspek.

Facebook Comments