Pangongolekta Ng Mga Barangay Officials Sa Mga 4Ps Beneficiaries Paiimbestigahan Ng Dswd Armm

Ikinagulat ng Department of Social Welfare and Development-ARMM ang kumakalat sa social media na nakunan  ng video ang isang barangay Kapitan  na nangungulekta  sa  mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilya Pilipino Program (4Ps).

Sinabi ni  DSWD-ARMM Sec. Rahima  Datumanong Alba matapos nilang mabatid ang problemang ito ay kaagad silang nagpadala ng team sa lalawigan ng Lanao del Sur, partikular sa Barangay Sigway kung saan nangyari ang pangongolekta.

Ayon pa kay  Sec. Alba na pinaiimbestigahan na nila ang naturang pangyayari para  maaksyunan.


Sa inisyal na report na ipinarating sa kanya, sinabi ng kalihim na napag-alaman ng team na ang naturang barangay official ay matagal nang nag-aabuso. Hindi umano ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng kahalintulad na pangyayari.

Kasabay nito, nagbabala naman si Sec. Alba sa iba pang opisyales ng barangay na kagaya ng barangay chairman ng barangay Sigway, na ihinto na ang kanilang illegal na gawain.

Facebook Comments