PANGONGOLEKTA NG SERVICE FEE PINATIGIL NG ERC

Inanunsyo ng ISELCO-1 na ititigil pansamantala ang pangongolekta ng Service fee sa lahat ng member-consumer-owners matapos ipag-utos ng Energy Regulatory Commission (ERC) ang pagpapahinto nito.

Ito ay nakapaloob sa Siping Order ng Energy Regulatory Commission (ERC Case No. 2022-191 SC).

Ang mga member-consumer-owners na hindi nakapagbayad sa nakatakdang araw matapos matanggap ang electric bill ay hindi na kokolektahan ng service fee.

Sa kabila nito, pansamantala namang ititigil ang pamamahagi ng iba’t ibang tulong gaya ng Mortuary Assistance, Financial Assistance, Livelihood Assistance, Educational Assistance, at iba pang kahalintulad na Corporate Social Responsibility (CSR) programs dahil ang pondo na ginagamit para sa mga nabanggit na programa ay nanggagaling sa Restricted Service Fee Fund.

Samantala, umaasa parin ang ISELCO-1 na magpapatuloy pa rin ito sa pagpapaabot ng CSR programs para sa kapakanan ng kanilang mga member-consumer-owners.

Gayunpaman, nilinaw ng kooperatiba na nakadepende pa rin ang kanilang tuloy-tuloy na pagbibigay serbisyo sa member-consumer-owners sa desisyon na ilalabas ng ERC.

Facebook Comments