KARAGDAGANG TULONG SA MGA PAMPUBLIKONG SASAKYAN, IKINAKASA NG LTFRB REGION 2

Nakikipag-ugnayan na ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Region 02 sa ibat ibang Local Government Units (LGUs) sa rehiyon dos upang matukoy ang mga tourist destination sa kanilang mga nasasakupang lugar bilang tulong sa mga namamasada.

Sa ulat ng naturang ahensya, una nang nakipagpulong ang Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) sa Provincial Economic Enterprise Office ng LGU-Quirino Province para mabatid ang mga pook-pasyalan sa nasabing probinsya.

Sa tulong na rin ito ng Department of Tourism (DOT) Region 2 para makita at maibigay ang karagdagang tulong sa mga pampublikong sasakyan.

Samantala, una nang inatasan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang DOT na suriin ang ibat ibang tourist destinations sa buong bansa dahil malaki ang maitutulong nito sa industriya ng turismo at makapagbigay ng mas maraming trabaho sa mga Pilipino.

Facebook Comments