Manila, Philippines – Iginiit ngayon ni Senador Sherwin Gatchalian ang pagbasura sa probisyon sa charter ng National Irrigation Authority o NIA na nagtataka ng pagkolekta ng Irrigation Service Fee o ISF sa mga magsasaka o kaya ay farming cooperatives.
Nakapaloob ito sa senate bill no. 1412 na inihain ni Gatchalian na naglalayong huwag ng mabawasan pa ang kakarampot na kita ng mga magsasaka sa bansa.
Paliwanag pa ni Gatchalian, ang irigasyon ay mahalagang bahagi para tumaas ang agriculture productivity, para matiyak ang sapat na suplay ng bigas o food security sa bansa
Giit ni Gatchalian, tungkulin ng pamahalaan na magbigay ng libreng irrigation service sa mga magsasaka.
Binigyang pa ni Gatchalian, na naglaan ng dalawang bilyong pisong pondo ang kongreso sa 2017 General Appropriations Act o GAA para i-subsidize ang inaasahang makokolektang ISF mula sa mga magsasaka ngayong taon.
Nation”