PNP, patuloy pa ring inaalam ang pagkakakilanlan ng suspek na bumaril sa isang lalaki noong Biyernes sa Isabela

30

Isabela, Philippines – Patuloy pa ring inaalam ng mga kasapi ng PNP Jones Isabela kung sino ang nasa likod ng pamamaril sa isang lalaki noong Biyernes Santo sa Barangay Dos sa nabanggit na bayan.

Matatandaan na pinagbabaril ang biktimang si bryan Paul Agsalda, bente dos anyos at residente ng nabanggit na lugar, pinagbabaril ang biktima sa harapan ng Jones Cockpit Arena.

Isang tawag ang natanggap ng mga kapulisan na may binaril sa nasabing lugar.

Naisugod pa sa pagamutan ang biktima ngunit idineklara na itong dead on arrival nang sumuring doktor.

Narekober sa crime scene ang mga basyo ng bala ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril at dalawang sachet ng pinaniniwalaang shabu sa biktima.

Napag-alaman na isa ang biktima sa mga kusang sumuko sa oplan tokhang ng PNP noong nakaraang taon.
Nation”

Facebook Comments