Pangulo at AFP, pinagsusumite na ng report para sa extension ng Martial Law

Manila, Philippines – Pinagsusumite na ng mga mambabatas si Pangulong Rodrigo Duterte at ang AFP ng report tungkol sa mga nangyari sa loob ng 60 araw habang nasa ilalim ng martial law ang Mindanao.

Giit ni Ifugao Rep. Teddy Baguilat, bago humiling at igawad ng Kongreso ang martial law extension ay dapat na ibigay na muna ang report tungkol dito.

Partikular na nais makita ng mga taga oposisyon kung paano nakatulong ang batas militar laban sa pagsalakay ng Maute terror group at sa pagpapaigting ng security situation sa buong Mindanao.


Sinabi pa ni Baguilat na kung mismong sa SONA ng Pangulong Duterte ay hilingin nito ang extension para sa martial law ay maaaring mag-joint session agad ang Kongreso at talakayin ito.

Pero sinabi naman ni Magdalo Rep. Gary Alejano na kahit wala na ang martial law extension ay kaya naman ng militar na ipagpatuloy ang operasyon laban sa mga terorista.

Sa panig naman ni House Majority Leader Rodolfo Fariñas, kung may umiiral pang rebelyon at kaguluhan sa Marawi ay handa nitong suportahan ang pagpapalawig pa sa martial law.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments