Hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng Association of Southeast Asian Nation o ASEAN Countries na magkaisa at maging matatag sa pagprotekta sa international law.
Ito ang binigyang diin ni Pangulong Duterte sa naganap na ASEAN leader’s retreat dito sa Bangkok Thailand kung saan ay isinulong ni Pangulong Duterte ang kahalagahan ng pagkakaroon ng Code of Conduct in the South China sea.
Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, nagpahayag ng pagkadismaya si Pangulong Duterte sa matagal na pagbuo ng Code of Conduct na ito.
Ipinaliwanag aniya ni Pangulong Duterte sa kapwa ASEAN leaders na habang tumatagal ang pagbuo ng COC at mas tumataas ang posibilidad na magkaroon pa ng mga maritime incident at magkaroon ng maling hakbang o kalkulasyon dito.
Tiniyak naman aniya ni Pangulong Duterte na bilang Country Coordinator sa ASEAN China relations at patuloy nitong isusulong ang epektibong implementasyon ng 2002 Declaration on the Conduct of Parties sa South China Sea.
Suportado din aniya ni Pangulong Duterte ang adoptation ng Pilipinas sa ASEAN Outlook on the Indo-Pacific na layong patatagin la ang ugnayan ng Asia-Pacific at indean-ocean countries.
Nagpasalamat din naman aniya si Pangulong Duterte ang kapitan ng Vietnamese Vessel na nagligtas sa 22 mangingisda na nabangga ng isang Chinese Vessel sa Recto Bank.
Ang pasasalamat ay pinadaan ng Pangulo sa pamamagitan ni Vietnamese Prime Minister Nguyen Xuan Phuc.