Pangulo, hindi bibigyan ng emergency powers kontra red tape

COURTESY: SENATE OF THE PHILIPPINES FB

Nilinaw ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na hindi emergency powers ang kapangyarihan na ipabibigay sa Pangulo sa binabalangkas nilang panukala para pabilisin ang transaksyon sa gobyerno ngayong may pandemya.

Ayon kay Drilon, sa halip na amyendahan ang Ease of Doing Business Law o dating Anti-Red Tape Law ay magpapasa na lang sila ng bagong panukala na magpapaiksi sa panahon ng pagproseso sa mga aplikasyon at permit sa pamahalaan.

Ayon kay Drilon, sa panukala ay bibigyang diin at kikilalanin ang nakasaad sa konstitusyon na kapangyarihan ng Pangulo.


Ito ay para pangasiwaan at kontrolin na mapabilis ang transaksyon sa mga ahensya na nasa ilalim ng executive branch.

Nauna ng sinabi ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na ang mas mabilis na proseso tulad sa pagtatayo ng negosyo lalo na ngayong may pandemya ay tiyak makakahikayat sa mga dayuhang negosyante.

Facebook Comments