Isininulong ni House Speaker Martin Romualdez ang pagbibigay ng kapangyarihan sa pangulo ng bansa na suspendihin ang pagtataas sa premium contribution ng ‘direct contributors’ sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth).
Nakapaloob ito sa House Bill 6772 na inihain ni Salceda na mag-aamyenda sa Section 10 ng Universal Healthcare Act.
Kasama ni Romualdez sa paghahain ng panukala sina House Majority Leader Manuel Jose “Mannix” Dalipe, Senior Majority Leader at Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos, at Tingog Party-list Reps. Yedda Marie Romualdez at Jude Acidre.
Sa ilalim ng panukala na base sa rekomendasyon ng PhilHealth board ay maaaring i-utos ng president na ipatigil ang pagpapatupad sa scheduled increase ng premium rates sa panahon ng national emergency, kalamidad o para sa interes ng publiko.
Ngayong taon, dapat ay itataas sa 4.5% ang monthly premium payment o mula P400 ay magiging P450.
Kung mapagtibay at matuloy ang pagpapahinto sa contribution hike, ay katumbas ito ng P50 kada buwan o P600 kada taon na matitipid sa premium payment ng mga miyembro ng PhilHealth.