Pangulo ng Brazil, sinampahan ng kasong korapsyon

World – Nahaharap ngayon sa kasong “passive corruption” ang pangulo ng Brazil na si Michel Temer.

Ito ay matapos na masangkot si Temer sa isyu ng korapsyon dahil sa suhulan sa pagitan ng pangulo ng food processing company na si Joesly Batista.

Ayon kay Brazilian Attorney General Rodrigo Janot, batay sa kanilang reklamo, nagbayad ni batista ng $512,000 kay Temer na kaniyang tinanggap naman.


Si Temer ay siyang pumalit kay Dilma Rousseff matapos na ito ay ma-impeach noong Setyembre.

Facebook Comments