Pangulo ng Timor-Leste, dumating na sa bansa

Dumating na sa bansa si Timor-Leste President José Ramos-Horta para sa kanyang state visit.

Ang state visit ni Ramos-Horta ay inaasahang magpapatibay sa bilateral relations sa pagitan ng Pilipinas at Timor-Leste.

Gayundin ang pagpapalakas sa suporta ng Pilipinas sa pagiging full-fledged member ng Timor-Leste sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).


Makakasama rin sa meeting ang mga kalihim ng Department of Foreign Affairs (DFA), Department of Trade and Industry (DTI), Department of Justice (DOJ), Department of Science and Technology (DOST), at Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Magugunitang sa bilateral meeting sa Indonesia noong Mayo, kasabay ng 42nd Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit, tiniyak ng Pangulong Bongbong Marcos ang suporta ng Pilipinas sa Timor-Leste para sa pagiging full-fledged member nito ng regional bloc.

Facebook Comments