Pangulong Bongbong Marcos at kapwa Southeast Asian leaders, pinangunahan ang pagbubukas ng 42nd ASEAN Summit sa Indonesia

Pormal nang binuksan ng mga Southeast Asian leaders kabilang si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pagsisimula ng 42nd Association of Southeast Asian Nations o ASEAN Summit sa Indonesia.

Ito ay may temang “ASEAN Matters: Epicentrum of Growth”, layon nitong matalakay ang plano ng rehiyon sa pagbangon ng ekonomiya matapos padapain ng COVID-19 pandemic at maglatag ng hakbang upang maging engine of sustainable growth and Timog-Silangang Asya.

Maliban dito, inaasahan ding mapag-uusapan sa Summit ang pag-adopt sa One Health Initiative na magpapatibay lalo sa pangako ng ASEAN na maiwasan, mapaghandaan at tumugon sa mga health emergencies


Una nang sinabi ng Pangulong Marcos Jr. na ang paglahok ng bansa sa ASEAN Summit ay magpapalakas sa community-building efforts at matiyak ang seguridad ng mga Pilipino.

Samantala, dadalo rin ang punong ehekutibo sa 15th BIMP-EAGA Summit bukas na binubuo ng mga bansang Brunei Darussalam, Indonesia, Malaysia at Pilipinas.

Facebook Comments