May-ari ng mga ukay-ukay na nasabat ng PCG, lumutang

Lumutang sa Philippine Coast Guard (PCG) Sub-Station Matnog ang may-ari ng mga ukay-ukay na unang nasabat sa Port of Matnog sa Sorsogon.

Ayon sa hindi na pinangalang may-ari, ang mga naharang at nasamsam na mga ukay-ukay ay kaniyang mga paninda.

Nabatid na nasa 50 kahon na naglalaman ng mall pull-out items ang kaniyang nabili at hindi raw ito “ukay-ukay.”


Mayroon din itong resibo na nagpapatunay na binayaran at dumaan sa tamang proseso ang mga pull-out items na nagkakahalaga ng ₱268,000.00.

Kaugnay nito, pinakawalan ng mga tauhan ng PCG ang driver at dalawang cargo helper ng truck kung saan pinayagan na itong bumiyahe patungo sa Davao City.

Facebook Comments