Pangulong Bongbong Marcos, dadalo sa dalawang aktibidad ngayong araw

Nakatakdang dumalo ngayong umaga sa dalawang aktibidad si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Batay sa anunsyo ng Malacañang, pangungunahan ng pangulo ang opening ceremony ng malaki at prestihiyosong International Trade Show on Agri Business, Food and Fishery na mayroong tatlong major components.

Ito ay ang 27th International Agribusiness Exhibition & Seminar or AgriLink 2022; Ang 21st International Food Processing, Packaging & Products Exhibition or FoodLink 2022 at ang 16th National Fisheries Exhibition & Seminars or AquaLink 2022.


Inaasahang magbibigay ng talumpati ang pangulo sa event na ito na may temang “Inclusive Growth in Agribusiness Chain: Key to Stability”.

Dadalo rin sa event na ito sina Senator Cynthia Villar, chairman ng Senate Committee on Agriculture, Usec. Domingo Panganiban, Senior Undersecretary ng Department of Agriculture (DA) Mr. Christopher H. Lindo, Chairman, CARAGA Agribusiness Ind. Council at Pasay City Mayor Emi Calixto Rubiano.

Pagkatapos dito ay dadalo naman ang pangulo sa contract signing ceremony ng South Commuter Railway Project sa Jose Rizal Monument-The Plaza, Calamba City, Laguna mamayang alas-11:00 ng umaga.

Facebook Comments