Demand sa family planning commodities, tumaas

80

Tumaas ang bilang ng mga tumatangkilik ng family planning commodities sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Sa budget hearing sa Senado, sinabi ni Population Commission Executive Director Lolito Tacardon na nasorpresa sila sa pagtaas ng demand sa family planning commodities sa kasagsagan ng pandemya.

Hindi nga aniya inabutan ng expiration ang suplay para sa family planning tulad ng condom kundi kinakapos pa sila sa suplay.


Sinabi ni Tacardon na ‘good news’ ito dahil umangat sa walong milyon ang bilang ng mga kasalukuyang gumagamit ng family planning commodities na karamihan ay para sa mga kababaihan.

Para mas epektibo ang family planning sa bansa ay nagkasundo ang Commission on Population and Development (POPCOM) at Department of Health (DOH) na sa POPCOM na ibigay ang responsibilidad ng pamamahagi ng family planning commodities.

Paliwanag naman ni National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan na ang family planning ay bahagi ng programa para sa poverty reduction sa bansa.



Facebook Comments