Wala sa plano ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na magtalaga ng dating sundalo o retired military man para mamuno sa Department of Agriculture (DA).
Ang pahayag ay ginawa ng pangulo sa Kapihan with the media sa Switzerland.
Aniya, hindi lang kailangan ay eksperto sa agrikultura ang mamuno sa DA dahil complicated subject aniya ang agriculture.
Dapat aniya magaling umintindi sa science at umunawa sa sistema sa agrikultura.
Pero, sinabi ng pangulo na kung ang retired military man ay naging expert na sa agrikulutura bakit hindi.
Ngunit, sa kasalukuyan aniya marami pang mahihirap na problema sa agrikultura na kailangan na siya mismo ang tumutok at kailangan masolusyonan muna ito bago niya ito ipapasa sa itatalagang DA secretary.
Facebook Comments