Mga iligal na POGO, pinaaalis na sa Pilipinas – Pangulong Bongbong Marcos

Nilinaw ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na pinaaalis na sa Pilipinas ang mga ilegal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO).

Ang pahayag ay sinabi ng pangulo sa Kapihan with the media sa Switzerland sa harap na rin ng mga proposals na i-ban na ang lahat ng POGO sa Pilipinas dahil nagdudulot o gumagawa lang ng gulo sa bansa partikular ang patayan at kidnapping.

Paliwanag ng pangulo, may mga POGO na legal na nagbabayad ng bills, buwis at ito ay dapat na magpatuloy sa Pilipinas.


Sinabi pa ni PBBM na nagkaroon lang naman ng mga proposal na i-ban ang POGO sa Pilipinas dahil ilan na nagta-trabaho sa POGO lalo na ang ilegal na nag-o-operate ay nagpapatayan.

Facebook Comments