Pangulong Bongbong Marcos, inaasahang dadalo sa UN General Assembly sa New York

Inaasahang dadalo si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos sa nalalapit na United Nations General Assembly sa New York ngayong Setyembre.

Sinabi ito ni Philippine Amabassador to Washington Jose Manuel Romualdez kung saan posible rin itong magtalumpati sa naturang pagpupulong.

Kaungay nito, posible rin ang isang side meeting kay US President Joe Biden pero sinabi ni Romualdez na mas gusto ni Marcos ng hiwalay na bilateral summit kay Biden ngayong taon.


Maliban ditto ay inaasahan din makikipagpulong din si Marcos sa iba pang world leader sa UN General Assembly.

Paliwanag ni Romualdez, isa itong importanteng okasyon gayong maraming tao ang nais makita at makausap ang ika-17 pangulo ng Pilipinas.

Samantala, nakatakda ring tumakbo si Vice President at Education Secretary Sara Duterte-Carpio sa isang education summit sa New York sa Setyembre bago ang UN Assembly.

Facebook Comments