Halos 2,000 bagong kaso ng COVID-19, naitala kahapon ng DOH

Pumalo na sa 11,370 ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Ito ay matapos makapagtala ang Department of Health (DOH) ng 1,936 na bagong kaso ng sakit kahapon na siyang pinakamataas simula Pebrero 18.

Dahil dito, pumalo na sa 3,713,131 ang nationwide tally COVID-19 case sa Pilipinas.


Nakapagtala naman ng 813 na bagong gumaling sa sakit habang tatlo ang nasawi sa virus.

Samantala, umakyat sa 20.1% ang bed occupancy ng bansa as of July 5 matapos makapagtala ng 5,868 kama na okupado habang 23,334 ang bakante.

Facebook Comments