Pangulong Bongbong Marcos, nagtalaga ng mga bagong pinuno ng AFP, NBI at PNP

Kinumpirma ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, na nagtalaga na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ng mga bagong pinuno ng Armed Forces of the Philippines (AFP), National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP).

Itinalaga ng pangulo bilang bagong AFP Chief of Staff si Lt. Gen. Bartolome Vicente O. Bacarro na isang Medal of Valor Awardee.

Kapalit nito si AFP Chief of Staff General Andres Centino.


Si Bacarro ang kauna-unahang magsisilbi ng tatlong taon bilang AFP chief dahil sa umiiral na ngayong batas na RA 11709 na nagbibigay ng three years fixed term.

Habang itinalaga naman si Medardo de Lemos, bilang Director ng NDI at pinalitan nito si Eric Distor na itinalaga ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Si De Lemos ay isang abogado at 37 taon nang nagta-trabaho bilang most senior officer sa NBI.

Habang nagtalaga na rin ang pangulo ng bagong PNP Chief sa katauhan ni Lt. Gen. Rodolfo Azurin Jr., papalitan niya si PNP Officer-In-Charge Lt. Gen. Vicente Danao Jr.

Si Azurin ay nagtapos sa Philippine Military Academy (PMA) Makatao Class of 1989 na kasalukuyang commander ng Northern Luzon Command Police Area.

Facebook Comments