Lumapag na sa Villamor Air Base ang Philippine Airlines 001 na sinasakyan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kasama ang kaniyang delegasyon, alas 4:19 ng hapon ngayong araw ng Sabado.
Ito ay matapos ang mahigit 12 oras na biyahe mula Switzerland matapos ang partisipasyon sa World Economic Forum (WEF).
Bahagyang nakaturbulence naman ang sinasakyang eroplano ng pangulo kanina dahilan para magsigawan ang mga sakay ng Philippine Airlines 001.
Samantala, sa arrival statement ni PBBM ay sinabi nito sa pamamagitan nang dinaluhang WEF ay may kakayahan na ngayon ang Pilipinas na makisabay sa investment opportunities na makakatulong sa pag-angat ng ekonomiya dahil lilikha ito ng mas maraming trabaho.
Ang pangulo ay sinalubong ni Vice President Sara Duterte-Carpio at iba pang mga naiwang cabinet secretaries at mga DND, PNP at AFP officials.