Pangulong Bongbong Marcos, nakipag-virtual meeting sa mga opisyal ng DA

Photo Courtesy: RTVM

Kahit naka-isolate si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., matapos magpositibo sa COVID-19 ay nagpapatuloy ang kaniyang trabaho.

Sa katunayan, nagsagawa pa ng virtual meeting ang pangulo sa key officials ng Department of Agriculture (DA) pagkatapos na pangunahan nito ang ikalawang cabinet meeting kahapon.

Ilan sa napag-usapan sa pagpupulong ang tungkol sa Rice Tariffication Law, kasalukuyang estado ng bigas at livestock production at ang pagtataas sa produksiyon ng high-value commercial crops at iba pa.


Dumalo sa nasabing meeting sa hanay ng mga taga Department of Agriculture sina Undersecretary Leocadio Sebastian, Undersecretary-designate Kristine Evangelista, Assistant Secretary-designate Engr. Arnel De Mesa at Ms. Imelda Arida, Executive Assistant of Undersecretary Sebastian.

Nasa pagpupulong din sina Executive Secretary Victor Rodriguez, Special Assistant to the President Secretary Antonio Lagdameo Jr., at Presidential Management Staff (PMS) Secretary Maria Zenaida Angping.

Facebook Comments