Pangulong Bongbong Marcos, target ang road improvements at airports decongest para mapalago ang turismo sa bansa

Tiniyak ngayon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos ang pagpapalago ng turismo sa bansa na patuloy pa rin bumabangon dahil sa epekto ng COVID-19 pandemic.

Sa kanyang unang State of the Nation Address (SONA), binigyang-diin ni Pangulong Marcos na “essential” ang industriya ng turismo lalo na’t nagbibigay ito ng regular na trabaho sa grassroots level.

Bunsod nito, siniguro ng pangulo ang improvements sa mga kalsada para matiyak ang mas maginhawang paglalakbay sa mga tourist spot sa bansa, maging sa mga remote area.


Ia-upgrade rin aniya ang mga paliparan sa bansa at pagkakaroon pa ng maraming international airports upang ma-decongest o mabawasan na ang siksikan sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sinabi ng pangulo na sa pamamagitan nito, mai-po-promote natin ang mga undiscovered tourist spots sa bansa.

Ipinag-utos ng pangulo sa Department of Tourism at Department of Public Works and Highways na pangunahan ang mga nasabing programa.

Facebook Comments