SONA ni PBBM, generally peaceful ayon sa PNP

70

Itinuturing ng Philippine National Police (PNP) na generally peaceful ang unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, maituturing na mapayapa ang mga pagkilos ng militanteng grupo kung saan wala silang naitalang untoward incident.

Sinabi rin ni Fajardo na wala silang natanggap na report hinggil sa paglabag sa karapatang pantao.


Maliban dito, tumalima rin sa minimum public health protocols ang mga nagsipag dalong mga raliyista at walang nagpasaway.

Kasunod nito, nagpapasalamat ang opisyal sa mga militanteng grupo at sa publiko dahil sa kooperasyon nila sa mga awtoridad.

Facebook Comments