Pangulong Bongbong Marcos, tiniyak sa publiko na magpapatuloy ang pagkalinga sa mga lubos na nangangailangan sa bansa; mabilis na pagtugon sa mga biktima ng kalamidad, agad na ipinag-utos sa DSWD

Tiniyak ni Pangulong Bongbong Marcos na magpapatuloy ang pagkalinga sa mga lubos na nangangailangan sa bansa.

Sa kanyang unang State of the Nation Address (SONA), ipinag-utos ni Pangulong Marcos sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mabilis na pagtugon sa pangangailangan ng mga biktima ng kalamidad at mga iba’t ibang krisis.

Pinatitiyak ni Marcos sa DSWD ang relief prepositioning at maayos na koordinasyon sa mga Local Government Unit (LGU) upang mas mapaigting ang proseso at maging simple ang pamimigay ng ayuda sa mga biktima ng kalamidad.


Pinadadagdagan din nito ang mga operation center, warehouse at imbakan ng relief goods lalo na sa mga malalayong lugar na mahirap marating.

Tiniyak din ng pangulo na malilinis ang listahan ng mga benepisaryo ng 4Ps, lalong palalawakin ang supplemental feeding program sa mga komunidad at pagtitibayin ang mga programa para sa solo parents at mga biktima ng pang-aabuso.

Facebook Comments