Manila, Philippines – Nagbabala nanaman si Pangulong Rodrigo Duterte sa simbahang katoliko na tigilan na ang paggamit ng pulpito para banatan siya ang ang kanyang administrasyon.
Sa talumpati ni Pangulong Duterte sa kanyang pangunguna sa Ceremonial Signing ng Universal Health care Law at presentasyon ng iba pang mahahalagang batas ay sinabi ng Pangulo na sakaling ulitin ng ilang mga taga simbahan ang pagbanat sa kanya gamit ang kanilang Pulpito o sa pamamagitan ng kanilang mga sermon ay abangan aniya ng mga ito ang kanyang banat.
Naglabas muli ng galit ang Pangulo sa operasyon ng iligal na droga sa bansa kung saan sinabi nito na mas magiging madugo pa ang giyera ng Pamahalaan laban ditto.
Sinabi pa ng Pangulo na mas magandang tumigil na muna ang mga sindikato ng iligal na droga lalo na ang mga nasa Visayas region habang siya pa ang nakaupong Presidente ng bansa.