2 Katao na may iba’t-ibang kaso, Nalambat ng mga otoridad!

38

Isabela – Nasa kamay na ng mga otoridad ang dalawang katao na may iba’t-ibang kaso matapos isilbi ang kanilang Warrant of Arrest sa magkakahiwalay na lugar.

Ang unang nadakip ay kinilalang si Roldan Baliuag Cabaltica, bente anyos, binata, construction worker at residente ng Brgy. Upi, Gamu, Isabela.

Inaresto si Cabaltica dahil sa kasong paglabag sa RA 9262 o Violation Against Women and Children sa bisa ng mandamiento de aresto na ipinalabas ni Hukom Rodolfo B. Dizon ng RTC Branch 18, Hall of Justice, Ilagan City, Isabela.

Makakalaya lamang si Cabaltica kung makakapaglagak ng inirekomendang piyansa na P200,000.00.

Matagumpay rin na inaresto ang tinaguriang Top 6 Most Wanted Person sa bayan ng Luna, Isabela na kinilalang si Herald Agustin Paguirigan Jr, 21 anyos, may asawa, magsasaka at residente ng Brgy. Macugay Luna, Isabela.

Dinakip si Paguirigan matapos magpalabas ng Warrant of Arrest si hukom Raul V. Babaran ng RTC Second Judicial, Cauayan City, Isabela dahil sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide na may piyansang P30,000,00 sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Samantala, nasa himpilan na ng pulisya ang dalawang akusado para sa kanilang kaukulang dokumentasyon.




Facebook Comments