Aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na natatakot siyang magkaroon ng mga panibagong COVID-19 variant at mauwi sa pagsipa muli ng mga kaso sa bansa.
Sa kaniyang Talk to the People Address kagabi, sinabi ng Pangulo na masyado nang manipis ang pondo ng gobyerno at nangangamba siyang wala na tayong magastos sa pagtugon sa pandemya.
Ayon pa sa Pangulo, hindi naman maiiwasang makapasok sa bansa ang mas nakakahawang Omicron variant lalo na’t marami ang umuuwi sa Pilipinas.
Idinagdag pa nito na hirap na rin tayo lalo na’t katatapos lamang tumama ng Bagyong Odette na nag-iwan ng malaking pinsala sa bahagi ng Visayas at Mindanao.
Facebook Comments