Wala raw dapat ipangamba ang publiko sa kontrobersiyal na Anti-Terrorism Act of 2020, na nilagdaan noong Hulyo 3 ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kabila ng kaliwa’t-kanang panawagan at pagtutol dito ng ilang grupo.
“For the law-abiding citizen of this country, I am addressing you with all sincerity. Huwag ho kayong matakot kung hindi ka terorista. Kung hindi ka naman sisirain mo ang gobyerno, pasabugin mo ang simbahan, pasabugin mo ‘yung public utilities, pasabugin mo ‘yung, just to derail, matumba na tuloy ang bayan,” saad ng pinuno sa kaniyang ulat ng bayan nitong Miyerkoles ng madaling araw.
Ito ang kauna-unahang public address ng Presidente simula nang aprubahan niya ang anti-terror bill.
Ayon kay Duterte, may karapatan ang gobyerno na ipagtanggol ang kanilang sarilin laban sa masasamang puwersa na may planong sirain o guluhin ang bansa.
“If you do that to the people, if you kill them wantonly, then I would take it as a right to kill you,” saad ng Pangulo.
Nauna nang nagbigay ng suporta ang kapulisan at militar na nangakong hindi lalabag sa probisyon ng Saligang Batas at Konstitusyon.
Sa ilalim ng Anti-Terrow Law, maaring kasuhan ang sinumang magbabalak o maghahanda na maghasik ng terorismo sa Pilipinas.
Pinalawig din ang panahon na puwedeng tiktikan ang pinagduduhang terorista basta may pahintulot ng hukuman.
Maari rin mabilanggo ang mga itinuturong terosista nang 14 hanggang 24 nang walang isinasampang kaso, na maaring kinokondena ng mga kritiko ng batas.