Pangulong Duterte at Chinese President Xi, walang pormal na kasunduan kaugnay sa territorial dispute sa South China Sea

Nilinaw ngayon ng palasyo ng malacanang na walang papel na nilagdaan si Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping kaugnay sa pagpayag nito sa mga pilipinong mangingisda na mangisda sa exclusive economic zone ng Pilipinas na inaangkin din ng China.

 

Una na kasing sinabi ni Pangulong Duterte na mayroon silang kasunduan ni President Xi na maaaring mangisda ang mga pilipino sa mga pinagaagawang teritoryo at sinabi din ni Pangulong Duterte na batay sa kasunduan ay hindi niya maaaring isulong ang pagkapanalo ng pilipinas sa arbitral tribunal dahil kung gagawin niya ito ay nagbabala ang chinese president ng giyera.

 

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel At Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, ito ay isang informal agreement at hindi ito naka dokumento.


 

Pero tiwala naman si Panelo na tutuparin ni President Xi ang kanyang mga sinabi kay Pangulong Duterte dahil sigurado namang mayroon itong word of honor.

Facebook Comments