Pangulong Duterte at mga gabinete, hinamong ipakita na ang mga SALN

193

Hinamon ni Bayan Muna Partylist Rep. Carlos Isagani Zarate si Pangulong Rodrigo Duterte at ang mga miyembro ng gabinete na ilabas ang kanilang Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN).

Ginawa ng kongresista ang hamon matapos lumutang ang tinawag na “Pandora Papers” na nagbulgar ng offshore financial assets ng mayayaman at makapangyarihang mga lider, pulitiko at negosyante sa buong mundo.

Giit ni Zarate, ipakita ng mga opisyal ng pamahalaan ang kanilang mga SALN upang patunayang hindi sila nagpayaman habang nasa posisyon o ‘di kaya ay may tinatagong yaman.


Kung wala naman aniyang itinatago ay hindi na dapat hintayin pang mapasama ang mga pangalan sa kahalintulad na expose’.

Hiniling pa ng mambabatas na gawing core issue sa darating na 2022 elections ang full transparency at accountability mula sa mga opisyal ng pamahalaan.

Facebook Comments