Pasig City Vice Mayor Iyo Caruncho Bernardo, nagpahayag na ng kanyang pagtakbo bilang alkalde ng lungsod

356

Inihiyag ni incumbent Vice Mayor Iyo Caruncho Bernardo ang pagtakbo nito bilang alkalde ng Pasig sa 2022 national election.

Sa isang panayam, sinabi ni Bernardo na alam niyang mahirap kalabanin ngayon si incumbent Pasig Mayor Vico Sotto.

Kung saan nagsumite na si Sotto ng kanyang certificate of candidacy (COC) nitong nakaraang araw sa muling pagtakbo nito sa ikalawang pagkakataon bilang alkalde ng lungsod.


Pahayag pa ni Bernardo, itinuturing niyang underdog ang kanyang pagtakbo sa May 2022 election.

Pero aniya, ibibigay niya ang kanyang kapalaran sa mga residente ng Pasig at hayaan silang magdesisyon kung sino ang uupo na alkalde ng lungsod.

Dagdag pa niya, hindi niya intensyon na bigyan kritisimo ang kasalukuyang administrasyon ng Pasig, bagkus aniya’y gusto niyang bigyan ng iba pang option ang mga botante ng Pasig.



Dalawang araw bago matapos ang filing ng COC, hindi pa rin nagpahayag si Bernardo kung kailan ito magfa-file ng kanyang COC.

Facebook Comments